Antas ng krimen sa Quezon City, bumaba ng 22.08%

Bumaba ng 22.08% ang walong focus crimes sa Quezon City sa unang kalahati ng huling quarter ng 2024.

Ayon kay Quezon City Police District acting Director PCol. Melecio M. Buslig, Jr, mula October 1 hanggang November 15,  nakapagtala ang Quezon City Police District (QCPD) ng 187 insidente ng walong malalaking krimen, gaya ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, car theft at motorcycle theft.

Ito ay kumpara sa 240 insidente na iniulat mula Agosto 15 hanggang Setyembre 30.


Ito ay kumakatawan sa pagbaba ng 53 insidente o 22.08%.

Ang kasong pagnanakaw o theft ang naitalang may pinakamalaking pagbaba mula sa 107 insidente hanggang 83 o 22.43%.

Ang Kamuning Police Station (PS 10) sa ilalim ng PLt. Col. Leonie Ann Dela Cruz ay nakapagtala ng pinakamalaking pagbaba sa 8 focus crime, na may 54.55% na pagbaba, o mula sa 33 insidente ay naging 15.

Facebook Comments