Nananatiling mababa ang antas ng pagbabakuna sa bansa.
Ayon kay Vaccine Expert Panel (VEP) chairperson Dr. Nina Gloriani, batay sa nga datos ay malayo pa sa target na antas ng pagbabakuna ang 50 million doses COVID-19 vaccines na naiturok na sa bansa.
Sa nasabing bilang, 26,486,522 ang ibinigay na first dose habang 23,186,969 ang tumanggap ng kumpletong bakuna o ang mga fully vaccinated.
Sa ngayon, target ng bansa na makapagbakuna ng 70% ng populasyon upang maabot ang herd immunity.
Facebook Comments