Antas ng tubig sa Angat Dam at iba pang dam sa Luzon, muling nabawasan

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat Dam at iba pang dam sa Luzon.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig sa Angat Dam kaninang alas-6 umaga ngayong araw ng Martes ay nasa 192.95 meters.

Mas mababa ito sa 193.15 meters na antas nito kahapon.


Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo Dam na nasa 100.40 meters.

Mas mababa sa antas nito kahapon na nasa 100.49 meters.

Ang water level ng La Mesa Dam ay nabawasan din, ngayong umaga nasa 77.09 meters ang antas nito na mas mababa sa 77.10 meters na antas nito kahapon.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams habang nadagdagan ang antas ng tubig ng Binga at Magat dams.

Facebook Comments