Sapat ang suplay ng tubig sa Angat Dam para sa pangangailangan ng mga bahay o households sa Metro Manila.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni National Water and Resources Board (NWRB) Executive Director Dr. Sevillo David Jr. na sa ngayon ay nasa 189.64 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam
Normal aniya ang antas na ito at kayang suplayan ang pangangailangan ng mga taga-Metro Manila.
Kaugnay nito sinabi ni David na makakasapat na rin ang 40 cubic meters per second na suplay ng tubig para sa irigasyon.
Ito aniya ang regular na pangangailangan sa pagsisimula ng pagtatanim.
Facebook Comments