Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration – Department of Science and Technology (PAGASA – DOST) na hindi pa rin sapat ang mga pag-ulan nitong nakalipas na araw para tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Ayon sa PAGASA, patuloy pa rin ang bahagyang pagbaba ng water elevation sa naturang dam.
Sa pinakahuling monitoring ng PAGASA, nabawasan pa ng 22 sentimetro ang lebel ng tubig sa Angat Dam kaya bumaba pa ito sa 177.70 meters.
Nananatiling mas mababa ito sa minimum operating level ng dam na 180 meters.
Paliwanag ng PAGASA na bukod naman sa Angat dam, nabawasan din ang lebel ng tubig sa Ipo, San Roque at Caliraya Dam.
Facebook Comments