Antas ng tubig sa Angat Dam, nabawasan pa – PAGASA

Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nabawasan pa ang antas ng tubig sa Angat Dam batay sa monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division.

Ayon sa tala ng PAGASA, nabawasan ng apatnapu’t walong sentimetro ang antas ng tubig ng Angat Dam kaninang alas-6 ng umaga.

Paliwanag pa ng PAGASA, nasa 182.15 meters na ito kaninang umaga kumpara sa 182.63 meters na antas kahapon.


Dahil dito, umaabot na sa 29.85 meters ang agwat nito mula sa 212 meters na normal high water level.

Pero nasa dalawang metro at labing-limang sentimetro na lang ang agwat nito sa 180 meters na minimum operating level ng Angat Dam.

Maliban sa Angat Dam, bumaba rin ang lebel ng La Mesa, Ambuklao, Magat at Caliraya Dam.

Samantala, bahagya naman na nadagdagan ang lebel sa Ipo, La Mesa, Binga, San Roque, at Pantabangan.

Facebook Comments