Antas ng tubig sa Angat Dam, nabawasan – PAGASA

Nabawasan pa ang antas ng tubig sa Angat Dam batay sa monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division.

Ayon sa tala ng PAGASA, nabawasan ng dalawampu’t anim na sentimetro ang antas ng tubig ng Angat Dam kaninang alas-6 ng umaga.

Paliwanag ng PAGASA, nasa 181.59 meters na ito kaninang umaga kumpara sa 181.85 meters na antas kahapon.


Dahil dito, umabot na sa 30.41 meters ang agwat nito mula sa 212 meters na normal high water level.

Pero nasa 1 meter and 59 centimeters na lang ang agwat nito sa 180 meters na minimum operating level ng Angat Dam.

Maliban sa Angat Dam, bumaba rin ang lebel ng La Mesa, Pantabangan at Caliraya.

Samantala, bahagya naman na nadagdagan ang lebel ng Ipo, Ambuklao, Binga, Pantabangan at Magat.

Facebook Comments