Antas ng tubig sa Angat dam, tumaas

Bahagyang nakatulong sa lebel ng tubig sa Angat dam ang naranasang pag-uulan na dala ng Bagyong Ursula.

Sa monitoring ng PAGASA Hydrology Division, naitala sa 199.40 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam kaninang alas 6:00 ng umaga.

Ito ay mataas ng 60 meters kung ikukumpara sa 198.80 meters na naitala kahapon.


Pero, ito ay malayo pa sa 210 meters na operating level ng dam.

Sa Angat Dam nanggagaling ang suplay ng domestic consumption ng Metro Manila.

Facebook Comments