Antas ng tubig sa La Mesa Dam, muli nang bumaba

Bumaba na muli ang antas ng tubig sa La Mesa Dam batay sa huling monitoring ng Quezon city LGU.

Mula sa spilling level na 80.15 meters kaninang alas-9 ng umaga, bumaba ito sa 80.10 meters ngayong hapon.

Sa tuwing umaabot kasi sa spilling level, naaapektuhan dito ang Tullahan River na sakop ng Quezon City, Valenzuela, at Malabon.


Patuloy namang nakabantay sa sitwasyon ang pamahalaang lungsod.

Bukod sa La Mesa Dam, binabantayan din ng QC LGU ang San Mateo River na nasa 17.54 meters ang level.

Ang Alert Level 1 ng San Mateo River ay 18 meters na nangangahulugan na maging alerto at bantayan ang sitwasyon.

Facebook Comments