Inanunsyo ng Marikina LGU na bahagyang tumaas ang antas pero nananatili namang normal ang antas ng tubig sa Marikina River.
Ayon sa Marikina Rescue 161 as of 6:00 ng umaga kanina, 13.1 meters ang antas ng tubig sa Marikina River.
Normal pa ito dahil 15 meters nagdedeklara ng unang alarma sa ilog.
Gayunman, inaantabayan ng Marikina Rescue 161 ang mga tubig na manggagaling sa bulubunduking bahagi ng Rizal.
Kahit wala nang ulan sa Marikina pero umuulan sa Rizal ay patuloy ang banta ng pagtaas ng tubig sa ilog.
Patuloy na pinapaalalahan ng Marikina Rescue 161 ang mga residente sa mababang lugar sa Marikina na maging alerto at palaging mag-monitor sa lagay ng panahon.
Facebook Comments