MANILA – Patuloy sa pagbaba ang antas ng tubig sa mga dam sa Luzon bunsod ng matinding tagtuyot.Dahil dito, ayon kay Pagasa Hydrologist Gine Nivares – posibleng magbawas ng water allocation sa irigasyon at water supply sa Metro Manila.Lalo na aniya kapag bumaba pa sa below normal curve level na 180 meters ang tubig sa Angat Dam sa Bulacan.Nabatid na Lunes ng umaga – nasa 196.45 meters na ang water level ng Angat.Bukod rito – bumaba na rin ang water level sa Ambuklao Dam sa Benguet na nasa 747.40 meters; sa Binga Dam na nasa Benguet din, nasa 569.54 meters; sa San Roque Dam sa Pangasinan, nasa 253.30 meters, at sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija, nasa 192.52 meters.Samantala … tumaas naman ng 0.15 meter ang tubig ng Magat Dam sa Isabela at nasa 170.80.
Antas Ng Tubig Sa Mga Dam, Patuloy Sa Pagbaba
Facebook Comments