Antas ng tubig sa mga dam sa Luzon, Patuloy Na Nababawasan

Patuloy sa pagbaba ang lebel ng tubig sa mga dam sa luzon.

Sa update ng Pag-asa Hydrology Division. Nasa 194.38 meters ang antas ng tubig ngayon sa angat dam mula sa 194.79 meters kahapon.

 

Bahagya ring bumaba ang water level sa La Mesa Dam na ngayon ay nasa 68.54 meters na lang.


 

Binabantayan na rin ngayon ng Pagasa ang antas ng tubig sa Ipo Dam, Ambuklao Dam, Inga Dam, San Roque Dam, Pantabangan Dam, Magat Dam At Caliraya Dam.

 

Kahapon, sinabi ng Metropolitan Waterworks And Sewerage System (MWSS) na ikinakasa na nila ang cloud seeding operation sa ibabaw ng angat dam para hindi na ito umabot pa sa critical level.

 

Samantala sa Visayas, wala nang suplay ng tubig sa buhisan dam dahil sa epekto ng El Niño.

 

Apektado nito ang nasa 6,000 customer ng Metropolitan Cebu Water District na karamihan ay mga taga-Cebu.

Facebook Comments