Antas ng tubig sa pitong dam sa Luzon, bahagyang nabawasan – PAGASA

Bahagyang bumaba ang antas ng tubig sa pitong dam sa Luzon.

Batay sa monitoring ng PAGASA – Hydrometeorology Division hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga, bumaba sa 202.84 meters ang water level sa Angat Dam.

Mas mababa ito ng 45 centimeters mula sa 203.29 meters na lebel ng tubig nito kahapon.


Bukod sa Angat, bahagya ring bumaba ang lebel ng tubig sa Ambuklao, La Mesa, Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya.

Nananatili naman sa 98.73 meters ang lebel ng tubig sa Ipo Dam habang nadagdagan ng 11 centimeters ang water level sa Magat Dam.

Facebook Comments