ANTAS NG TUBIG SA RIVER SYSTEM NG PANGASINAN, PATULOY NA BINABANTAYAN

Patuloy ang pagbabantay ng mga awtoridad sa lebel ng tubig sa iba’t ibang ilog sa lalawigan kasunod ng mga pagbabago na naitala kahapon.

Sa Calasiao, bumaba ang tubig sa Marusay River mula 7.5ft sa 4.7ft, subalit nananatiling mas mataas ito kaysa sa karaniwang antas. Sa Sta. Barbara, kapansin-pansin ang pagbaba ng tubig sa Sinucalan River mula 4.7m sa 4.0m, dulot ng huminang agos mula sa mga kabundukan.

Sa Mabini, nananatiling mababa sa 1.0m ang antas ng tubig sa Balincaguing River, samantalang sa Bugallon, nasa pagitan ng 1.4m hanggang 1.8m ang sukat ng tubig sa Agno/Bañaga River, gayundin ang Bued/Cayanga River Sa San Fabian mula 7.0m sa 6.1m na mas mataas kaysa sa normal na antas.

Samantala sa Dagupan, itinaas na sa Blue Alert Status ang Pantal River dahil sa mataas nitong lebel, na maaaring magdulot ng pagbaha sa mga kalapit na lugar.

Pinapayuhan ang mga residente, lalo na sa mga mabababang lugar, na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan at disaster response teams upang matiyak ang kaligtasan ng lahat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments