Anthony Davis, balik NBA

Balik National Basketball Association (NBA) na si Los Angeles big man Anthony Davis matapos ang dalawang buwang pamamahinga at pagpapagaling sa injury.

Ayon kay Lakers Coach Frank Vogel, makakasama nila sa lineup ngayong araw si Davis kontra sa Dallas Mavericks.

Aniya, tamang tama ang pagbabalik ni Davis sa team para sa kanilang “final push” para depensahan ang kanilang korona.


Kasabay nito, tiniyak ni Davis na 100 percent na siyang handa sa kanyang pagbabalik.

Facebook Comments