Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang batas ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act ngayong hapon.
Sa ilalim ng panukalang batas, papatawan ng mas mabigat na parusa ang mga hinihinalang sangkot sa pananabotahe sa ekonomiya gaya ng mga smugglers at hoarders.
Tinatayang dalawang daang bilyong piso ang nawawalang kita ng gobyerno dahil sa economic sabotage, partikular na sa smuggling.
Hinihinalang ang pananabotahe rin sa ekonomiya ang dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng mga bilihin at nagkakaroon ng shortage sa mga agricultural products.
Dahil dito, inaasahan ding magkakaroon na ng sapat at abot-kayang pagkain ang bawat Pilipino na siyang hangad ni Pangulong Marcos para sa bansa.
Facebook Comments