Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “Anti-Bastos Bill”.
Noong April 17, 2019 nang nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act 11313 o Safe Space Bill na akda ni Senador Risa Hontiverso.
Sa ilalim nito, ban ang cat calling o paninipol, panghihipo, pambabastos pisikal man o emosyonal, mga negatibo at sekswal na patutsada sa mga babae at miyembro ng LGBT at iba pang gender-based harassment.
Sinumang lalabag dito ay isasailalim sa 12 oras na community service at 11 hanggang 13 araw na pagkakakulong.
Sakop din ng batas ang iba’t ibang uri ng online sexual harassment gaya ng online intimidation, invasion of privacy, cyberstaking at harassment sa mga educational and training institutions.
Multang P100,000 hanggang P500,000 ang kakaharapin ng sinumang lalabag sa anumang uri ng gender-based at online sexual harassment.
Ang mga dayuhan namang masasangkot dito, posibleng ipa-deport at pagmultahin din depende sa naging paglabag.
Sa ilalim din ng batas, inaatasan ang mga Local Government Unit (LGU) na magpasa ng ordinansa ukol dito habang magiging trabaho ng MMDA at PNP ang panghuhuli sa mga violator.
Pangungunahan naman ng Philippine Commission on Women ang pagbuo sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas.