ANTI-BLACKLEG VACCINATION, UMARANGKADA SA BAYAN NG SAN NICOLAS

Umarangkada ang libreng veterinary health services para sa mga malalaking hayop tulad ng mga kalabaw, baka at kambing sa bayan ng San Nicolas partikular sa Sta. Maria East Sitio Talingkapor.
Handog ang anti-blackleg vaccination gayundin ang pamamahagi ng mga bitamina at dewormer na naglalayong maiwasan ang banta ng blackleg infection na maaaring magdulot ng pagkamatay ng mga hayop, gayundin na nagpapanatili ng kalusugan nito.
Ito ay ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office (MAO) katuwang ang Provincial Veterinary Office.

Samantala, magpapatuloy pa ang anti-blackleg vaccination sa mga barangay ng Cacabugaoan, San Felipe East at San Felipe West ng nasabing bayan ayon sa nakatakdang schedule. |ifmnews
Facebook Comments