Anti-body test, hindi pa rin inirerekomenda ng DOH

Inihayag ng Department of Health (DOH) na ilang serye ng ulat na mayroong mga bakunado na sumasailalim sa anti-body Test upang mabatid kung naging mabisa ba ang COVID-19 vaccine na naiturok sa kanila ay hindi pa rin inirerekomenda ng DOH ang anti-body test matapos na mabakunahan laban COVID-19.

Ayon kay Health USec.at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, huwag nang magsayang ng resources ang mga bakunado na para lamang sa pagpapa-anti-body test.

Paliwanag ni Vergeire, mismong ang DOH ay hindi isinusulong ang anti-body test matapos ang COVID-19 vaccination.


Nauna nang sinabi ng World Health Organization (WHO), US Centers for Disease Control at iba pang global experts na hindi nila inirerekomenda ang anti-body testing dahil “complex response” anila ito sa mga bakuna.

Facebook Comments