Mas pinag-iigting sa lungsod ng Dagupan ang Anti-Boso Act partikular mula sa hanay ng Public Order and Safety Office o ang POSO sa lungsod.
Ang anti-boso act ay ang pagpapanatili ng ligtas at boso free na mga byahe para sa mga pasaherong sumasakay sa pampasaherong sasakyan partikular sa mga tricycle sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga steel o metal sa bahaging kaharapan ng inuupuang parte ng tricycle.
Ayon sa isang Deputy ng POSO Dagupan, pinapapintahan ito ng kulay itim upang hindi ito magsilbing parang “salamin” na kitang-kita ng mga tricycle drivers dahil nga nagrereflect ito mula sa inuupuang bahagi ng mga pasahero.
Dagdag pa niya na bago pa dikitan ang mga tricy ng regulatory sticker, ay nagkakaroon muna ng inspeksyon kaugnay sa pagsunod sa mga iniimplementang standards para magkaroon ng sticker at madeklarang legal na mga pampasaherong sasakyan ang mga ito.
Iniiwasan din ang mga nangyaring insidente na nabobosohan lalo na ang mga kababaihan lalo na’t kung ang mga ito ay nakadress o skirt at maaaring mag reflect ito sa mga paningin ng driver na magdudulot pa ng distraksyon sa kanilang pagmamaneho.
Samantala, sinuguro naman ng hanay ng POSO na chinecheck nila ang mga tricycle na kasalukuyang kumukuha ng mga regulatory stickers kung pasok sila sa mga mabibigyan nito at tuluyang malegalized upang makapagpatuloy sa pamamasada sa lungsod.

Facebook Comments