ANTI-BULLYING ACT SA MGA BARANGAY AT PAARALAN, ISINUSULONG NG PNP LINGAYEN

Isinusulong ngayon ng PNP Lingayen partikular ni Chief of Police Lingayen PLTCOL Roderick Gonzales ang paninindigan laban sa bullying sa pamamagitan ng pagbibigay ng ng pag-uutos sa lahat ng personnel ng Lingayen Police Station na mahigpit na ipatupad ang Anti-bullying Act of 2013, Republic Act No. 10627.
Sa pagpapatupad nito, nais ng PNP Lingayen na magkaroon ng NO Bullying Zone na may kaugnayan din dapat sa komunidad kung kaya’t hinikayat din ni PLTCOL Gonzales ang mga kapulisan na makipag-ugnayan sa mga Barangay at paaralan sa Lingayen.
Dito ay maisusulong ng maayos ng hanay ng kapulisan ang No Bullying Act sa komunidad kung saan magbabahagi sila ng kaalaman sa pamamagitan ng dialogues, lectures, at aktibong pakikipag-komunikasyon sa mga estudyante.

Ang inisyatiba rin na ito ay para pasiglahin ang pakikipagtulungan sa pagitan ng mga law enforcement, educational institutions, at ng local communities.
Ang diskarte na Hepe ng pulisya ay hindi lamang gawing No Bullying Zone ang munisipalidad kundi ay maging isang mapag-aruga at ligtas na kapaligiran ito kung saan ang mga residente ay walang takot na lumaban sa bullying. |ifmnews
Facebook Comments