Wednesday, February 25, 2026

Anti-Cong-tractor Bill, isinulong sa Kamara

Isinulong ng mga mambabatas mula sa National Unity Party o NUP na tuluyang ipagbawal ang paglahok ng mga opisyal ng gobyerno sa mga government procurement.

Nakapaloob ito sa inihain nilang House Bill No. 7917 o ang Anti-“Cong-tractor” Bill na mag-aamyenda sa New Government Procurement Act.

Ito ay para maipagbawal sa lahat ng halal at appointed na opisyal, at kanilang mga kamag-anak hanggang ikaapat na antas, nominees at agents, na lumahok sa alinmang yugto ng procurement.

Kapag naisabatas ang panukala, ang mga lalabag ay papatawan ng awtomatikong diskuwalipikasyon, kanselasyon ng kontrata, forfeiture ng bid security, blacklisting at mahaharap sa kasong administratibo, sibil at kriminal.

Bukod dito ay inihain din ng NUP lawmakers ang House Resolution No. 810 na nagsusulong na amyendahan ang House Rules upang ituring na “disorderly behavior” ang pagkakaroon ng financial interest sa mga proyekto ng pamahalaan na may parusang expulsion o pagpapatalsik bilang miyembro ng Kongreso.

Facebook Comments