Anti-corruption drive ng pamahalaan, “8 out of 10” – sabi ni Roque

Aminado ang Malacañang na hindi tuluyang napupuksa ng tuluyan ng pamahalaan ang korapsyon sa pamahalaan.

Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, “8 out of 10” ang ibinigay niyang score sa anti-corruption efforts ng gobyerno.

May mga ginagawang hakbang si Pangulong Rodrigo Duterte para matanggal ang mga tiwaling opisyal pero ang paglaban sa mismong korapsyon ay hindi matatapos.


Pagtitiyak ng Palasyo na hindi hahayaan ni Pangulong Duterte na manaig ang korapsyon sa pamahalaan.

Facebook Comments