ANTI-CORRUPTION RALLIES SA BUONG PANGASINAN NOONG NATIONAL PROTEST DAY, MAPAYAPA; HIGIT 2,300 PULIS, IPINAKALAT – PANGASINAN PPO

Mapayapa ang naging kabuuan ng mga idinaos na anti-corruption rallies sa iba’t ibang panig ng Pangasinan noong September 21 o tinaguriang National Protest Day.
Ayon sa datos ng Pangasinan Police Provincial Office, labing-limang magkakahiwalay na rally ang idinaos sa Pangasinan na karamihan ay prayer o mass gathering, candle lighting at vigil.
Sa kabuuan, nasa 2,356 pulis ang nakadeploy bilang fix visibility sa lugar, umaalalay sa trapiko at checkpoint, at bahagi ng Reactionary Standby Support Force.
Tinatayang nasa 4,500 naman na Pangasinense ang matiwasay na nagprotesta sa mga simbahan paaralan at iba pang pampublikong lugar.
Kaugnay nito, tiniyak ng hanap ng kapulisan ang kahandaan sa mga posible pang umusbong na protest at hinimok na gawin ito nang mapayapa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments