Umaasa ang Task Force against Corruption (TFAC) na makakapagsampa na sila ng kaso ngayong buwan laban sa mga taong sangkot sa katiwalian.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, maaari na silang makapaghain ng ilang formal charges sa ilang indibidwal na nagtatrabaho sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Ang TFAC ay naging fully operational mula nitong December 1.
Bago ito, sinabi ni Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar na nakatanggap na ang TFAC ng 98 complaints at reports kaugnay sa corrupt activities sa mga ahensya ng gobyerno.
Facebook Comments