Anti-COVID-19 vaccine, posibleng dumating na sa susunod na linggo

Posibleng dumating na sa susunod na linggo ang bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Department of Health Secretary Francisco Duque III, bagama’t wala pa silang saktong araw, inaasahang sa susunod na linggo na darating sa bansa ang COVID-19 vaccine.

Sa mga unang mababakunahan, aalamin ng DOH kung anong klaseng bakuna ang ituturok at ang adverse reaction nito sa pamamagitan ng monitoring.


Ang makakaranas ng malubhang side effect ay agad idi-diretso sa mga referral hospital.

Inihahanda na rin aniya ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang isang package bilang ayuda sa mga makararanas ng side effects ng bakuna.

Irerekomenda na rin ng kalihim kay Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang ayuda kung sakaling may masaswi.

Facebook Comments