Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar sa a Police Commanders sa Metro Manila na tutukan ang anti-criminality campaign.
Ito ay sa gitna ng pagbaba ng National Capital Region (NCR) sa Alert Level 2 simula ngayong araw, November 05 hanggang November 21.
Ayon kay Eleazar, ang pagluluwag ng mga restrictions ay maaring samantalahin ng mga kriminal para bumalik sa kanilang mga iligal na gawain.
Sinabi pa ni Eleazar na mahalaga ngayon na mabigyan ng proteksyon ang mga mamamayan laban sa mga kriminal lalo na at marami nang magsisilabasan sa mga pampublikong lugar sa panahon ng Pasko.
Samantala, muli namang nanawagan si Eleazar sa publiko na sumunod parin sa mga minimum public health standards sa gitna ng pagluluwag ng mga patakaran.