Manila, Philippines – Dinampot ng mga tauhan ng QCPD ang 44 na indibidwal kasunod ng kinasang anti-criminality campaign ng mga barangay sa Laloma, Quezon City kaninang madaling araw.
Ayon kay PSI Felipe Fermin Jr., kabilang sa mga pinagdadampot ang mga nahuling nag-iinuman sa pampublikong lugar, mga walang damit pang-itaas at paglabag sa discipline hour.
Pito sa mga ito ay menor de edad.
Kabilang sa sinuyod ang Brgy. Apolonio Santos, Brgy. Manresa, Brgy. Salvation at Brgy. Sto. Domingo.
Isasailam sa verification ang mga nahuli para malaman kung may standing warrant of arrest ang ilan sa kanila.
Nag-exercise ang mga 1st offender, sa oras na mahuli ulit ay parurusahan na sila ng isang araw hanggang 6 na buwan na pagkakakulong at mayroong 500 piso hanggang 5 libong piso ang maaring multa.
Dadalhin naman sa DSWD ang mga menor de edad ngunit kapag paulit-ulit na ang paglabag, ipapakulong na rin ang kanilang magulang.
Anti-criminality campaign sa, Quezon City mas pinaigting
Facebook Comments