Tiniyak ni Manila Police District (MPD) Director Brigadier General Arnold Thomas Ibay na hindi nila napapabayaan ang mga hakbang laban sa kriminalidad kahit sila ay nakatutok sa mga sementeryo ngayong Undas.
Sabi ni ibay, mahigit din ang kanilang koordinasyon sa mga barangay para matiyak na hindi makakalusot ang mga masasamang loob habang ang karamihan ay abala sa pagdalaw sa puntod ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay.
Kaugnay nito ay pinayuhan ni Ibay ang publiko na siguraduhing naka-kandado nang mabuti ang kanilang mga iiwanang tahanan at hindi nakasaksak ang mga appliances para hindi ito pagmulan ng sunog.
Facebook Comments