Hindi titigil sa halip mas paiigtingin pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga operasyon kontra krimen at pagpapatupad ng health protocols sa Isla ng Boracay sa Malay, Aklan.
Ito ay matapos ang anunsyo ng IATF na ang buong Aklan kabilang na ang Antique, Bacolod City, Capiz at Negros Occidental at ilang lugar sa Western Visayas ay isinailalim na sa Alert Level 2 epektibo kahapon.
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, ibig sabhin nito unti-unti na ang pagdagsa ng mga turista sa Boracay mula sa halos 2 taon na pansamantalang pagtigil ng operasyon sa buong isla dulot ng pandemya.
Pero ayon kay PNP Chief , kailangan pa rin tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng mga pumupunta sa isla hindi lamang sa banta ng pandemya kundi maging sa mga nagbabalak na gumawa ng masama.
Kaya naman utos ni PNP Chief sa 5 Boracay Sub-Stations sa Malay, Aklan na may 306 tourist police na dapat ay mas handa para magbigay ng 24/7 police response lalo na sa mga beach front, hotels, bar and restaurants.