Manila, Philippines – Mas pinaigting ng Manila Police District (MPD) sa ilalim ng liderato ni Police Chief Superintendent Rolando Anduyan ang kampanya kontra kriminalidad at mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Anduyan ipinarating na nito kay National Capital Region Police Office Regional Director Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar ang mga nahuhuling lumalabag sa mga ordinansa simula kahapon hanggang kaninang alas-5 ng madaling araw ay umaabot na sa 82 personalidad.
Iniisa-isa ni Chief Superintendent Anduyan ang mga himpilan ng pulisya na kumikilos at mahigpit na ipinatutupad ang mga ordinansa gaya ng pag-iinom sa mga pampublikong lugar at nakahubad na pagala-gala sa lansangan.
Kabilang sa mga himpilan ng pulisya na mahigpit na ipinatutupad ang direktiba ng PNP ang Raxabago Police Station Police Station-1, Moriones Tondo Police Station Police Station -2, Sampalok Police Station-4, Ermita Police Station Police Station -5, Sta Mesa Police Station PS-8, Malate Police Station, PS-9, Pandacan Police Staton-10 at Meisic Police Station PS-11.
Pinapurihan ng Manila Police District (MPD) sa ilalim ng liderato ni Police Chief Superintendent Anduyan, ang lahat ng mga station commanders at personnel dahil sa kanilang pinaigting na kampanya kontra sa anti- criminality operations upang maging kaaya-aya sa mga Manilenyo na maglakad ng tahimik at ligtas sa mga lansangan sa lungsod.