Ipinag-utos na ni Quezon City Police District Director, Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr. sa 12 police station na paigtingin na ang anti-criminality operations ngayong pumasok na ‘ber’ months .
Base sa obserbasyon ng pulisya, kapag nagsimula na ang ‘ber’ months hanggang holiday season, tumataas umano ang crime incidents tulad ng robbery, theft at physical injury .
Sinabi ni Esquivel, sinasamanatala umano ng mga criminal elements ang mga panahong ito dahil kalakasan ng mga negosyo at maraming pera ang tao.
Partikular na ipinag-utos ng QCPD Chief sa mga station commander na dagdagan ang presensiya ng pulisya at iba pang force multipliers para magsagawa ng anti-criminality operations tulad ng checkpoint, Oplan Sita, Oplan Bakal, Oplan Galugad at Oplan Katok.
Mula Enero hanggang Agosto 2019, 10 barangay sa lungsod ang nakapagtala ng maraming bilang ng index crimes.
Kabilang dito ang Brgy. Socorro ,Batasan Hills , Bagong Pag-asa, Fairview; Commonwealth; Payatas; South Triangle; Greater Lagro; E. Rodriguez; at Brgy. Holy Spirit.
Kaugnay nito, umapela rin si Gen. Esquivel sa publiko na ipagbigay alam agad sa pulisya ang anumang krimen para sa agarang tugon ng pulisya.