Pinag-iingat ng Anti Cybercrime Group (ACG) ng Philippine National Police (PNP) ang maraming mga empleyado na naka-work from home dahil sa COVID-19.
Sa babala ng ACG, dapat mag-ingat ang mga empleyado sa mga cybercriminal.
Dahil dito, naglabas sila ang tips para sa mga naka-work from home:
1. Iwasan ang pag-click o pag-download ng mga attachment mula sa unknown sources
2. Gumawa ng mahirap hulaan na passwords
3. Mag-update ng anti-virus software
4. I-activate ang 2 factor authentication o dagdagan ang paraan ng pag-verify sa account
5. At tiyakin na protektado ang home router at Wi-Fi
Kung sakali namang mabiktima ng cybercrime, hinimok ng ACG ang publiko na magreklamo sa kanila.
Facebook Comments