ANTI-CYBERCRIME GROUP NG PNP SA DAGUPAN CITY, ACTIVATED NA

Activated at bukas na ang tanggapan ng PNP Anti-Cybercrime Group – Pangasinan Provincial Cyber Response Team sa Dagupan City para sa magrereklamo tungkol sa mga uri ng cybercrime sa lungsod.
Ito rin ang kauna-unahang satellite office ng Anti-Cyber Crime Unit sa Region 1.
Ang pag-activate ng nasabing unit ay para mapaigting ng mga kawani ang kanilang pagbabantay laban sa mga online scammers at mga cyber-enabled criminality.

Naglaan ang LGU Dagupan ng isang office space at mga kagamitan para mas malapit ang opisina kung saan pwede magsumite ng reklamo tungkol sa mga cyber related crimes.
Sabi ni Regional Anti-Cybercrime Unit 1 Chief Devaras, ang hakbang na ito ay talagang ssakto sa panahon lalo at talamak talaga ang online scamming ngayon at malaki ang maitutulong nito sa lokal na gobyerno.
Ang satellite office ng PNP Anti-Cybercrime Group ay makikita sa Dagupan City People’s Astrodome. |ifmnews
Facebook Comments