Anti-Cybercrime Group, pinag-iingat ang publiko hinggil sa online job postings

Nagpaalala ang Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNG-ACG) sa publiko hinggil sa mga online-job posting para maiwasang mabiktima ng human trafficking.

Ang pahayag ay ginawa ni PNP-ACG Spokesperson Police Capt. Michelle Sabino makaraang kasuhan ng Department of Justice (DOJ) kahapon ang 10 suspek na sangkot sa illegal recruitment ng mahigit 1,000 dayuhan para magtrabaho sa isang call center sa Clark Freeport Zone Pampanga.

Base sa report, ni-recruit umano ng mga suspek sa pamamagitan ng online job posting ang mga dayuhang biktima na pinangakuan ng lehitimong trabaho sa Pilipinas.


Pero pagdating nila dito sa bansa, kinuha ang kanilang pasaporte at pinag-trabaho ng 16 hanggang 18 oras ng walang overtime, kung saan nanghihikayat ang mga ito ng iba pang mga dayuhan na mamuhunan sa crypto-currency scam.

Ayon kay PNP ACG Director Police Brig. Gen Sidney Sultan Hernia ang pagkakahuli sa mga suspek ay magsisilbing babala sa iba pang sangkot sa human trafficking na hindi sila sasantuhin at tyak na papanagutin sila sa ilalim ng batas.

Facebook Comments