Muling inumpisahan ang anti-dengue misting operation ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa ilang mga bahagi sa lungsod kaugnay sa adhikaing tututukan ang kaso ng dengue sa siyudad.
Nito lamang linggo ay iminungkahi ng City Health Office Dagupan ang kasong dengue na talamak ngayong mga panahon at pinaalalahanan ang mga Dagupeno na maging mapagmatyag sa mga bahaging maaaring pamugaran ng lamok at puksain upang hindi pag-umpisahan ng paglaganap ng sakit na dengue.
Alinsunod dito ay naisagawa ang misting operation partikular sa Kalye 2 ng Brgy. Tapuac na pinaglalagakan ng nasa tatlumpong mga kabahayan.
Samantala, matatandaan na nagpapatuloy ang nasimulang misting operation hindi lamang sa mga barangay maging sa mga palengke at mga paaralan sa lungsod upang mapuksa ang pagkalat ng dengue. |ifmnews
Facebook Comments