ANTI-DENGUE VACCINATION PROGRAM | Pagdinig sa Senado, umarangkada na

Manila, Philippines – Umarangkada na ang pagdinig ng Senado kaugnay sa maanomalyang Anti-Dengue Vaccination Program ng gobyerno.

Sa pagdinig ng Senate on Blue Ribbon, Finance, at Health and Demography Committees – galit na humarap ang ginang na si Iris Alpay, ina ng batang nagkasakit matapos na mabakunahan ng dengvaxia.

Ayon kay ginang Alpay – nangangamba siya sa posibleng maging epekto ng bakuna sa kanyang anak.


Bunsod nito, ipinag-utos ni Sen. Richard Gordon sa DOH na dapat paigtingin pa lalo nila ang kanilang information campaign kaugnay ng epekto ng dengvaxia.

Sa presscon, bago ang hearing, itinaggi ni dating Health Janet Garin na isang midnight deal ang pagbili ng 3.5 billion pesos na anti-dengue vaccine.

Sa interview ng RMN kay Senator JV Ejercito, chairman ng Senate Committee on Health – naniniwala siyang dapat ipaliwanag ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang dahilan ng pakikipagpulong niya sa kumpanyang Sanofi Pasteur bago bilhin ng DOH ang nasabing bakuna.

Samantala, sa interview ng RMN, sinabi ni Philippine Childrens Medical Hospital Executive Dir. Dr. Julius Lecciones na nagsasagawa na sila ng profiling sa mga binakunahan ng dengvaxia, partikular sa tinatayang isanlibong pulis mula sa Quezon City.

Ayon kay Lecciones – partikular nilang nimo-monitor ang kalagayan ng dalawang na pulis na buntis na nakatanggap ng anti-dengue vaccine.

Una nang nanawagan sa publiko ang DOH na gawin pa rin ang mga aktibidad kontra dengue at hindi lang umasa sa dengue vaccination program.

Facebook Comments