Manila, Philippines – Umakyat na sa 57 ang namatay matapos mabakunahan ng Dengvaxia vaccine.
Ayon kay Public Attorney’s Office (PAO) Forensic Expert Dr. Erwin Erfe, marami pang nakabinbing kaso ang kanilang isailalim sa awtopsiya na nakatakdang gawin ngayong linggo hanggang sa susunod na linggo.
Dagdag pa ni Erfe, nasa apat na kaso mula Cebu at Albay ang isasailalim na sa forensic examination ngayong linggo.
54 mula sa 57 biktima ay mga bata.
Aniya, ang mga nabakunahan ng anti-dengue vaccine ay nakitaan ng clinical symptoms tulad ng headache, abdominal pain, fever, vomiting at diarrhea.
Facebook Comments