ANTI-DENGUE VACCINE | Bilang ng mga namatay na nabakunahan ng Dengvaxia vaccine, umabot na sa halos 90

Manila, Philippines – Umabot na sa 87 sa 891,000 na bata na nabakunahan ng Dengvaxia vaccine ang pumanaw dahil sa dengue at iba pang sakit.

Gayunman, nanindigan ang Department of Health (DOH) na wala pa ring katibayan na magpapatunay na may direktang kinalaman ang Dengvaxia sa pagkamatay ng mga bata.

Ayon kay Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo, 11 sa 87 na nasawi ay dahil sa dengue.


Aniya, hindi pa maidedeklara ng DOH na bigo ang Dengvaxia kahit lumalabas na 11 sa mga batang nasawi ay nagkaroon ng dengue kahit nabakunahan.

Samantala, kinumpirma ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na nabakunahan ring ng Dengvaxia ang bunsong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica “Kitty” Duterte.

Maliban kay Kitty, naturukan rin nito ang dalawang anak ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Ayon kay Go, wala naman siyang impormasyon kung nakatanggap tatlo ng required na tatlong doses ng Dengvaxia.

Facebook Comments