Manila, Philippines – Umakyat na sa 96 ang namatay matapos maturukan ng Dengvaxia vaccine.
Ito ay batas sa tala ng Public Attorney’s Office (PAO).
Ayon kay PAO Chief Persida Acosta – may bago silang isasalang sa awtopsiya na posibleng Dengvaxia rin ang dahilan ng kamatayan.
Dumulog ang PAO para sa preliminary investigation ng walong complainants sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) subalit iniurong ito sa October 29 dahil iisa lamang ang dumalo sa mga nagrereklamo.
Binigyan naman ng pagkakataon ang mga respondents hanggang October 29 para makapagsumite ng kanilang counter affidavit.
Facebook Comments