Manila, Philippines – Hinimok ni Senator JV Ejercito si Pangulong Noynoy Aquino na magpaliwanag ukol sa isyu kaugnay sa pagbili sa anti-dengue vaccine sa ilalim ng kanyang administrasyon sa halagang 3.5 billion pesos.
Ang pahayag ni Ejercito ay sa harap ng kontrobersiya na ang dengvaxia na ibinigay na sa halos 700,000 na mga bata sa bansa ay delikado sa kalusugan ng mga hindi pa dinadapuan ng dengue.
Ayon kay Ejercito, marami ang tanong na kailangang sagutin o linawin ni dating Pangulong Aquino hinggil dito.
Halimbawa aniya nito ang umano ay dalawang beses na pakikipagpulong ni Aquino sa mga opisyal ng Sanofi na syang manufacturer ng dengvaxia.
Gayunpaman, hindi naman pabor si Ejercito na agad husgahan at idamay sa imbestigasyon ng Senado si Aquino.
Para kay Ejercito, makabubuting pakinggan muna ang opisyal ng gobyerno na nasa likod ng pagbili ng dengvaxia bago tutukan kung ano ang partisipasyon dito ng dating pangulo.
ANTI-DENGUE VACCINE | Dating Pangulong Aquino, hinimok na magpaliwanag
Facebook Comments