ANTI-DENGUE VACCINE | Dating Pangulong Aquino, iimbestigahan rin

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na isinama na ng Department of Justice (DOJ) si dating Pangulong Noy-Noy Aquino sa kanilang imbestigasyon sa issue ng Dengvaxia o dengue Vaccine.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa ngayon ay nag-iimbestiga na ang Department of Justice sa nasabing issue at mas magandang hintayin nalang ang resulta nito.

Sa imbestigasyon aniya ng DOJ ay kasama na ang dating Pangulo malaman ang naging papel nito sa implementasyon ng gobyerno sa Dengue Vaccine Program ng Department of Health.


Tiniyak ni Roque na mayroong mapatutunayang nagkasala ay tiyak na maparurusahan at hindi aniya magdadalawang isip ang administrasyon na gamitin ang buong lakas ng batas laban sa mga ito.

Matatandaan na inihinto na muna ng DOH ang implementasyon ng nasabing programa hanggang hindi pa nareresolba ang isyu.

Facebook Comments