ANTI-DENGUE VACCINE | DepEd, wala pang natatanggap na reklamo sa mga mag-aaral na nabakunahan

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na wala pa silang natatanggap na mga negatibong report mula sa mga mag-aaral na nabakunahan ng Dengvaxia.

Una rito, lumabas sa mga pagsusuri na may negatibo umanong epekto sa kalusugan ang Anti-Dengue Vaccine sa mga naturukan ngunit hindi pa tinatamaan ng sakit na Dengue.

Ayon kay Briones, pinaalalahanan na nila ang mga paaralan na bigyang-kaalaman ang mga magulang ng mga estudyante tungkol sa sintomas ng epekto ng bakuna.


Batay sa impormasyon, umaabot sa 733,000 kabataan ang nabigyan ng dengvaxia vaccine.

Facebook Comments