Manila, Philippines – Ikinakasa na ng DOH ang profiling at monitoring sa mga nabigyan ng Dengvaxia.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang mga batang inoobserbahan ng Sanofi Pasteur ay nasa controlled environment pero paano ang mga batang nasa malalayong lugar.
Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na mayroon ng hawak na complainant ang NBI hinggil sa masamang epekto ng Dengvaxia.
Samantala, nasa 997 mga bata sa mga pampublikong paaralan ang nagkasakit limang buwan matapos bakunahan ng Dengvaxia.
Base sa draft report ng house committee on health, sinabi ng DOH na sa pagitan ng March 18 hanggang August 20 noong nakaraang tao, may 997 ang nagkasakit kung saan 30 sa kanila ang na-opistal.
Sa 30 serious cases, dalawa ang namatay na ayon sa DOH ay walang kinalaman sa kanilang immunization program.
Pero base sa nakalap na impormasyon ng komite, apat na bata na nakabukahan ang nasawi, dalawa mula sa Bataan at dalawa sa Bulacan.