ANTI-DENGUE VACCINE | DOH Secretary Francisco Duque, kokonsulta kay P-Duterte para sa magiging hakbang nito sa PAO

Manila, Philippines – Dudulog si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte sa magiging hakbang nito laban kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta na gumagawa ng ‘circus’ mula sa isyu ng Dengvaxia.

Umaasa ang kalihim na makakakuha siya ng opinyon mula sa Pangulo kung paano niya sasagutin si Acosta na inakusahan siya na binabaligtad ang katotohanan ukol sa anti-dengue vaccine.

Iginiit ni Duque, na batid ni Acosta na mula pa sa imbestigasyon ng kongreso, hindi lumutang ang kanyang pangalan para madawit siya isyu.


Una nang sinabi ng DOH na hindi nila basta-basta ibibigay ang master list ng mga nabakunahan ng Dengvaxia kung hindi hihingi ng subpoena dahil sa mga probisyon ng data privacy act.

Facebook Comments