ANTI-DENGUE VACCINE | DOH, wala pang planong ipa-blacklist ang Sanofi Pasteur

Manila, Philippines – Hindi pa ikinukunsidera ng Department of Health (DOH) na ilagay sa blacklist ang Sanofi Pasteur, ang manufacturer ng kontrobersyal na Dengvaxia o ang anti-dengue vaccine.

Ayon kay DOH Undersecretary Rolando Enrique Domingo – maingat sila ngayon sa pagsasagawa ng business sa Sanofi.

Aniya, ang pagpapa-blacklist sa Sanofi ay makakaapekto sa iba pang bakuna na kailangan sa Pilipinas dahil ang gawa rin ito ng pharmaceutical giant.


Facebook Comments