ANTI-DENGUE VACCINE | DOJ, pinadadalo ang 38 respondents ng Dengvaxia controversy sa preliminary investigation sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Pinadadalo muli ng Department of Justice (DOJ) ang mga respondents ng Dengvaxia controversy sa pagpapatuloy ng preliminary investigation nito sa Hunyo.

Inisyuhan ng subpoena ang 38 respondents kabilang sina Health Secretary Francisco Duque III at dating Health Secretary Janette Garin.

Base sa subpoena, inaatasan ang mga respondent na magpakita sa gagawing preliminary investigation sa June 25, 2018 para ipasa ang kani-kanilang kontra salaysay.


Ang preliminary investigation ay isinasagawa kasunod ng criminal complaints na isinampa ng pamilya ng siyam na batang namatay dahil umano sa Dengvaxia.

Facebook Comments