ANTI-DENGUE VACCINE | Halos isang libong batang nabakunahan, nakaranas ng side effects

35

Manila, Philippines – Halos isang libong bata na ang nagkaroon ng side effects matapos bakunahan ng Dengvaxia.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) batay na rin sa kanilang datus, simula Marso disi otso hanggang Agosto a-bente noong isang taon.

Ayon sa DOH – mula sa nasabing bilang, tatlumpu ang ikinukonsiderang grabe at na-confine sa hospital.

Apat ang namatay makaraang bakunahan subalit pinag-dedebatehan pa kung may kinalaman ito sa immunization program.

Aminado naman ang Department of Health (DOH) na hindi sumailalim o nagsagawa ng autopsy kaya’t wala pang beripikasyon kung ang bakuna ang dahilan ng kanilang ng kanilang kamatayan o komplikasyon ng ibang sakit.

Facebook Comments