Manila, Philippines – Ipagpapatuloy ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang pagdinig nito ukol sa Dengvaxia controversy.
Ayon kay Camiguin District Representative Xavier Jesus Romulado, chairperson ng komite – gaganapin ang pagdinig sa November 20 at 21.
Target na mabigyang linaw sa pagdinig kung paano na-procure ng gobyerno ang ₱3.5 billion na halaga ng dengue vaccine.
Dagdag pa ni Romualdo – kailangang makabuo ng kumpleto at komprehensibong report.
Inaasahang iimbitahan sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health Secretary Janette Garin, at dating Budget Secretary Florencio Abad.
Base sa datos ng Department of Health (DOH), aabot sa 900,000 bata ang naturukan ng anti-dengue vaccine.
Facebook Comments