Manila, Philippines – Maghahain ng reklamo laban sa Department of Health (DOH) ang isang pamilya sa Pangasinan matapos mamatay ang kanilang kaanak na doktor na nabakunahan ng Dengvaxia.
Kinilala ang nasawing doktor na si Kendrick Gotoc, tubong Binalonan, Pangasinan at nakatalaga sa isang Rural Health Unit sa Quezon City.
Ayon kay konsehal Ryan Gotoc, kapatid ng doktor, nakumpleto ni Kendrick ang tatlong shots ng Dengvaxia na inobliga ng DOH pero hindi kaagad sinabi sa kanila.
Aniya, nangayayat si Kendrick dahil sa kawalan ng ganang kumain at madalas na pagkakaroon ng headache, stomach pain at rashes sa balat.
Sinabi naman ni Ana Ma. Teresa De Guzman, provincial health officer, na wala pa silang natatanggap na reklamo mula sa pamilya kaya hindi pa sila makakapagbigay ng pahayag.